Ako ay naniniwala na ang bawat isa sa atin ay may kapabilidad na maging mayaman at mamuhay ng masagana. Ang pagkakaroon ng yaman ay may mga hakbang na dapat sundin upang magtagumpay sa pagkuha nito. Kagaya ng isang bata na natututong lumakad, isang hakbang bago humakbang muli ang kanyang paraan upang matutong lumakad. Ang mga hakbang sa mga susunod na talata kung mapagtatagumpayan ay magbibigay sa atin ng walang hanggang kasaganaan.
Unang hakbang patungo sa pagyaman – Mag-impok ng sapat para sa mga hindi inaasahang pangyayari o emergency. Kung ikaw ay nahospital, o kaya naman ay nasunugan, nawalan ng trabaho, ano ang gagawin mo? Karamihan sa atin ay manghihiram ng pera sa iba upang makaahon sa hirap ng pinagdaraanan at magkaroon ng pagkakataon na makapagsimula ulit. Ang numero unong balakid sa pagyaman ng isang tao ay ang kanyang pagkakabaon sa utang. Iwasan kagaya ng pag-iwas sa sakit ang pagkakaroon ng utang sa iba. Ang sapat na naitabing pera ay magsisilbing salbabida sa iyong lumulubog na Bangka. Ugaliing magtabi ng sampung porsyento ng iyong kabuuang kinikita para lamang sa hakbang na ito. Ang nararapat na halaga ng iyong emergency fund ay naaayon sa iyong pangangailangan. Ang ideal na halaga ay tatlo hangang anim na buwan na panggastos.
Pangalawang hakbang patungo sa pagyaman – Bayaran lahat ang iyong pagkakautang. Anuman ang dahilan ng pagkakaroon mo ng utang sa iba, bayaran mo ito ng may buong intensiyon at pasasalamat sa sino mang nautangan mo. Sinasabi sa Bibliya na ang nanghiram ng pera ay isang alipin sa nagpahiram ng pera. Itigil mo na ang pagiging alipin at pagsikapin mo na maging isang malayang tao na may layunin na maging mayaman. Ituon ang iyong buong atensiyon sa pagaakumula ng yaman.
Pangatlong hakbang patungo sa pagyaman – Mag-impok ng sapat para sa iyong marangal na pagreretiro. Kapag ikaw ay nasa edad na at hindi na kayang magtrabaho, sino ang iyong aasahan na mag-aalaga at magbibigay sa iyong mga pangangailangan? Nabanggit ko sa aking nakaraan na artikulo na tayong mga Pinoy ay may mentalidad na ang ating pamilya ang ating maasahan pagdating ng panahon. Kung ikaw ay aasa sa iyong pamilya, hindi mo malulubos ang kaligayahan ng buhay. Huwag mong gawing pabigat ang iyong sarili sa iyong pamilya. Tayo ay mga tao na may kanya kanyang pamumuhay.
Pang-apat na hakbang patungo sa pagyaman – Ipuhunan ang iyong naimpok para sa iyong marangal na pagreretiro sa mga investments na ligtas at sigurado. Kung iyong iisipin ang pagreretiro ay malayo pa sa iyong edad, ngunit sa tamang pagpaplano at pagiimpok at pamumuhunan, sa panahon na ikaw ay magreretiro na, hindi ba masarap mabuhay na ikaw ay may yaman na maibabahagi sa iyong sarili, pamilya, at sa kapwa? Ang mga hakbang sa pamumuhunan ay aking idedetalye sa mga susunod na artikulo na aking ililimbag.
Pang-limang hakbang patungo sa pagyaman – Magbigay at tumulong sa mga nangangailangan, maging isang pilantropo. Sa hakbang na ito, ikaw ay nasa rurok na ng iyong tagumpay sa pagkakaroon ng yaman. Ito na ang pagkakataon na ikaw ay makapagbigay at mangurot ng puso ng iba. Ang pagbibigay tulong ang pinakamasayang bagay na mararanasan ng isang tao. Kaya naman pagdating mo sa hakbang na ito, gawin mong kaayaaya at mag-iwan ka ng pangalan na maalala ng mga tao sa haba ng panahon.
Ang galing mo po .. sumulat kuya na iinspired ako sa mga sinasabi ..mo ipag patuloy mu pa po .. at godbless=)
ReplyDeleteSalamat Gazelle! Abangan mo ang mga susunod na topic sa TNK. Salamat sa comment. =)
ReplyDeleteMAHUSAY BALITA PARA SA LAHAT
ReplyDeleteGusto kong ipaalala sa lahat ng mga naghahanap ng internet loan na mag-ingat, may mga online scam loan sa lahat ng dako, magpapadala sila ng mga pekeng dokumento sa iyo at sasabihin nila na walang bayad, hihilingin ka nila na magbayad ng bayad sa lisensya at mga pagbabayad sa transfer, kaya maingat.
Ang lahat ng mga pekeng nagpapahiram ay may maraming pagkakatulad na nakikita ko at inilista sa ibaba
Karamihan sa kanila ay mayroong mga gmail account
Ang bawat tao'y may nakakumbinsi na kapangyarihan
Ang bawat tao'y may pekeng larawan sa profile ng isang babae na may suot na belo
Lahat sila ay nagbibigay ng isang 2% rate ng interes
Walang limitasyon sa halagang maaari mong hiramin
Ang mabuting balita ay natagpuan ko ang isang wastong online lending firm. Hindi ako narito upang mangaral ngunit upang matulungan ang mga tao na makakuha ng tunay na pautang. Kung ikaw ay interesado sa pagkuha ng pautang, makipag-ugnayan lamang sa kanila (dailypayloan@yahoo.com) o padalhan ako ng personal na e-mail (zaradam@yahoo.com).