Ako ay naniniwala na ang bawat isa sa atin ay may kapabilidad na maging mayaman at mamuhay ng masagana. Ang pagkakaroon ng yaman ay may mga hakbang na dapat sundin upang magtagumpay sa pagkuha nito. Kagaya ng isang bata na natututong lumakad, isang hakbang bago humakbang muli ang kanyang paraan upang matutong lumakad. Ang mga hakbang sa mga susunod na talata kung mapagtatagumpayan ay magbibigay sa atin ng walang hanggang kasaganaan.
Unang hakbang patungo sa pagyaman – Mag-impok ng sapat para sa mga hindi inaasahang pangyayari o emergency. Kung ikaw ay nahospital, o kaya naman ay nasunugan, nawalan ng trabaho, ano ang gagawin mo? Karamihan sa atin ay manghihiram ng pera sa iba upang makaahon sa hirap ng pinagdaraanan at magkaroon ng pagkakataon na makapagsimula ulit. Ang numero unong balakid sa pagyaman ng isang tao ay ang kanyang pagkakabaon sa utang. Iwasan kagaya ng pag-iwas sa sakit ang pagkakaroon ng utang sa iba. Ang sapat na naitabing pera ay magsisilbing salbabida sa iyong lumulubog na Bangka. Ugaliing magtabi ng sampung porsyento ng iyong kabuuang kinikita para lamang sa hakbang na ito. Ang nararapat na halaga ng iyong emergency fund ay naaayon sa iyong pangangailangan. Ang ideal na halaga ay tatlo hangang anim na buwan na panggastos.
Pangalawang hakbang patungo sa pagyaman – Bayaran lahat ang iyong pagkakautang. Anuman ang dahilan ng pagkakaroon mo ng utang sa iba, bayaran mo ito ng may buong intensiyon at pasasalamat sa sino mang nautangan mo. Sinasabi sa Bibliya na ang nanghiram ng pera ay isang alipin sa nagpahiram ng pera. Itigil mo na ang pagiging alipin at pagsikapin mo na maging isang malayang tao na may layunin na maging mayaman. Ituon ang iyong buong atensiyon sa pagaakumula ng yaman.
Pangatlong hakbang patungo sa pagyaman – Mag-impok ng sapat para sa iyong marangal na pagreretiro. Kapag ikaw ay nasa edad na at hindi na kayang magtrabaho, sino ang iyong aasahan na mag-aalaga at magbibigay sa iyong mga pangangailangan? Nabanggit ko sa aking nakaraan na artikulo na tayong mga Pinoy ay may mentalidad na ang ating pamilya ang ating maasahan pagdating ng panahon. Kung ikaw ay aasa sa iyong pamilya, hindi mo malulubos ang kaligayahan ng buhay. Huwag mong gawing pabigat ang iyong sarili sa iyong pamilya. Tayo ay mga tao na may kanya kanyang pamumuhay.
Pang-apat na hakbang patungo sa pagyaman – Ipuhunan ang iyong naimpok para sa iyong marangal na pagreretiro sa mga investments na ligtas at sigurado. Kung iyong iisipin ang pagreretiro ay malayo pa sa iyong edad, ngunit sa tamang pagpaplano at pagiimpok at pamumuhunan, sa panahon na ikaw ay magreretiro na, hindi ba masarap mabuhay na ikaw ay may yaman na maibabahagi sa iyong sarili, pamilya, at sa kapwa? Ang mga hakbang sa pamumuhunan ay aking idedetalye sa mga susunod na artikulo na aking ililimbag.
Pang-limang hakbang patungo sa pagyaman – Magbigay at tumulong sa mga nangangailangan, maging isang pilantropo. Sa hakbang na ito, ikaw ay nasa rurok na ng iyong tagumpay sa pagkakaroon ng yaman. Ito na ang pagkakataon na ikaw ay makapagbigay at mangurot ng puso ng iba. Ang pagbibigay tulong ang pinakamasayang bagay na mararanasan ng isang tao. Kaya naman pagdating mo sa hakbang na ito, gawin mong kaayaaya at mag-iwan ka ng pangalan na maalala ng mga tao sa haba ng panahon.
Nuffnang
Wednesday, February 29, 2012
Sakit sa Bulsa, Walang Pera
Marami ang nagtatanong, papaano ako yayaman kung kakaunti lamang ang kinikita ko? Wala naman akong trabaho? Mahirap lang kami. Ang tamang kapaliwanagan ay nasa utak ng bawat isa sa atin. Kung iniisip mo at isinasabuhay mo na ikaw ay mahirap, ikaw nga ay maghihirap. Ang pagiging mahirap ay nasa utak lamang. Walang taong maghihirap kung ang pagiisip lang nila ay katulad ng isang mayaman. Ang kahirapan ay isang estado ng kaisipan na nagsasabi sa atin na tayo ay mahirap. Kung ito ay papalitan natin ng positibong pagiisip, katulad ng pagsasabi ng “Hindi ako mahirap”, tayo ay aahon at magsisikap na maiangat ang ating sarili sa kasalukuyang kinalalagyan.
Gawin nalang natin halimbawa ang mga buhay ni Manny Villar at Henry Sy. Sila, bagamat hindi ipinanganak na mayaman, nag-umpisa sa wala, nagsikap at hindi sumuko sa mga hamon ng buhay. Kung ikaw ay maniniwala na ang buhay mo ay aangat at ang paniniwalang ito ay iyong isinabuhay, ang buhay mo ay mag-iiba. Parang isang attraksiyon na kung saan ang anumang positibong iniisip mo ay tunay na nagaganap sa iyong buhay. Ang pagkakaroon ng yaman katulad ng pagkakaroon ng positibong pag-iisip ay nasa utak lamang.
Ang Pinoy ay likas na malikhain, maabilidad, at masipag. Kung kakaunti ang iyong kinikita, maghanap ka ng ibang mapapagkakitaan at gamitin mo ang iyong natatanging lakas upang makapagimpok ng sapat para sa iyong susunod na hakbang patungo sa pagyaman. Kung ikaw ay walang trabaho, magdasal ka sa Diyos na bigyan ka ng lakas upang hindi sumuko. Gamitin mo ang lahat ng iyong makakaya sa paghahanap ng mapagkakakitaan, ang oportunidad ay hindi nawawala habang ikaw ay buhay. Tandaan, ang Panginoon ay binibiyayaan ang mga taong nagtitiyaga at nagtitiwala sa kanya.

Ang Tunay na Mayaman – Isang Paglalarawan
Sino nga ba ang tunay na mayaman? (Tandaan, ang yaman na binabanggit sa lahat ng paksa sa blog na ito ay patungkol sa praktikal at literal na depinisyon ng kayamanan). Sa Pilipinas, siya ay isang mapustura, sikat, makapangyarihan, at maimpluwensiyang tao. Sa ating kultura, pinaniniwalaan natin na ang tao ay isang mayaman batay sa mga nabanggit na paglalarawan. Ngunit ito nga ba ang tunay na paglalarawan sa isang tunay na mayaman? Sa aking progresibong kaalaman sa mga taong mayayaman, sila ay ang mga karaniwang tao na may kakaibang pag-iisip at ugali. Ang mayaman na tao ay si manong na may-ari ng isang negosyo. Natutulog siya ng maaga at nagigising din ng maaga upang magtrabaho araw-araw. Siya ay hindi magastos, binibili niya ang mga bagay na kailangan niya at ang mga bagay na gusto niya ayon sa kaniyang nakasulat na budget. Siya ay may sapat na ipon upang makapagretiro ng marangal. Siya ay may kakayahang palaguin ang kanyang negosyo sa pamamagitan ng perang naitabi niya. Siya rin ay nagbibigay at tumutulong ng kusa sa mga kapos palad at mga nangangailangan. Ang tunay na mayaman ay kontento sa buhay, walang problema sa pananalapi at mayroong kayamanang maipapamana sa kanyang pamilya. Ito ang tunay na mayaman, nabubuhay ng hindi higit sa kanyang pangangailangan, matalino sa paghawak ng pera, at mapagbigay sa kapwa.
Sa naunang paglalarawan ang mga taong akala natin ay mga tunay na mayayaman ay hindi pala. Sa materyal na bagay sila ay sagana, ngunit sa pagiisip at paguugali sila ay nagkukulang. Ang mga taong ito ay ang mga tinatawag na magarbo ang buhay. Ang paglustay ng kanilang pananalapi ay kasing laki ng kanilang hangarin na makilala bilang makapangyarihan, sikat, at maimpluwensiyang tao. Malayo ang pagiisip nila sa isang tunay na mayaman. Ang tiyansa nila na bumalik sa kahirapan ay malaki, dahil sa kanilang mentalidad at uri ng pamumuhay.
Ang pagkakaroon ng yaman ay isang obligasyon na itinalaga sa atin ng Diyos. Tayo ay katiwala lamang ng kayamanan natin sa lupa. Kung ito ay iyo lamang lulustayin sa isang magarbong buhay, hindi ito nararapat sa iyo. Ang kayamanan ay ibinabahagi sa iba, at pinamamahalaan ng may puso. Sa huli, sa pamamagitan ng iyong matiyagang pagdarasal sa Panginoon, pagsisikap, matalinong pamamaraan, at wais na paghawak ng pera, ikaw din ay matatawag na isang tunay na mayaman.

Yayaman Ako... Sana Sana
Madalas, tayo ay nangangarap na yumaman. Libre namang mangarap hindi ba? Ang pangarap na walang pagsisikap ay isa lamang panaginip. Hindi ka yayaman kung hindi mo ito pagsisikapan. Ako ay natawa ng mapanood ko sa telebisyon ang isang ale. Iniinterbyu siya patungkol sa pagtaya ng lotto. Tinanong siya kung bakit siya tumaya sa lotto. Ang kanyang sagot? "Para yumaman ako at hindi na hamakin ng mga mayayamang tao". Sa totoo lang ang aleng ito ay walang ideya kung papaano maging mayaman at kung papaano naging mayaman ang mga mayayamang tao. Kung ang tanging paraan niya lamang upang yumaman ay tumaya sa lotto araw-araw, malamang uugod ugod na ang pobreng ale hindi pa siya mayaman.
Marami sa ating mga Pinoy ang naniniwala na tayo ay yayaman pagdating ng panahon, nanalangin, nagdadasal, naghihintay na mahulugan ng biyaya sa taas, nanaginip na bukas pag-gising natin mayaman na tayo. Ito ay isa lamang sa mga maling paniniwala nating mga Pinoy. Tayo ay nalubog sa mga maling paniniwala na naipasa sa atin ng ating mga magulang. Sabi nga sa isang kotasyon "If you tell a lie, long enough, and often enough, it will eventually become the truth". Sa abot ng aking makakaya, sa pamamagitan ng mga katotohanan ng buhay na aking naranasan, sisikapin ko na tuldukan ang mga maling paniniwalang ito sa mga susunod na artikulo na aking ililimbag.
Ang totoo, hindi ka yayaman kung ikaw ay umaasa lamang sa milagro. Ikaw ay yayaman sa pamamagitan ng pagsisikap, pagtataya ng layunin, at pagiging disiplinado sa buhay. Kung ikaw ay may layunin na maging mayaman, sundin mo ang mga panuntunin sa pagiging mayaman. Iwaksi ang bisyo, at magbago ng kaisipan pagdating sa paghawak ng salapi. Gayahin mo ang mga kilos ng isang mayaman, ngunit huwag kang mag asta na isang mayaman. Ikaw ay hindi pa mayaman ngayon, ngunit kung iyong tatanggapin at isa sa puso ang mga kaugalian, at kaisipan ng isang mayaman, ikaw ay isa ng mayaman sa darating na bukas.

Panimula - Kaalaman sa Buhay
Ang aking hangarin sa pagsulat sa blog na ito, ay matulungan ang kapwa ko Pilipino na maging malaya sa buhay pagdating sa usapin sa pera. Ang blog na ito ay naisulat para sa iyo na naghahanap ng kaginhawaan sa buhay. Sa patuloy na pagbasa mo sa mga naisusulat sa mga pahina ng artikulo patungkol sa pera, mararamdaman mo ang pagsikat ng bagong pag-asa sa iyong buhay. Ninanais ko, sa pamamagitan ng blog na ito na ikaw ay mabigyan ng katahimikan ng isip, mabuhay ng matiwasay na puno ng pag-asa at kayamanan.
Katulad mo, ako rin ay nangarap na magkaroon ng masaganang buhay. Pero marami sa atin ang hindi nakakaintindi sa tunay na kahulugan ng kasaganaan sa buhay. Ano ba ang tunay na yaman ng isang tao? Para sa ating mga Pilipino na nahubog ang buong pagkatao sa conserbatibong kultura at pamayanan, ang ating yaman ay una ang ating pamilya, pangalawa ang ating mga kaibigan, pangatlo ang ating malusog na pangangatawan. Ako ay sumasangayon sa lahat ng nabanggit, ngunit kung iyong pagbabatayan ay ang praktikal na kabuhayan at ang realismo ng buhay ang tatlong kayamanan para sa atin ay mga sekondaryo lamang. Bakit ko ito nasabi? Sa ating mga Pilipino ang pamilya ang unang sandalan sa oras ng kagipitan, ngunit papaano nalamang kung sa oras ng kagipitan ang pamilya ay wala ring maibahagi upang ikaw ay matulungan? Kung ang pamilya ay walang maibigay na tulong, madalas nating nilalapitan ang ating mga kaibigan. Ngunit papaano nalamang kung ang kaibigan na inaasahan ay wala ring maitutulong o kung tumulong man, ikaw ba ay tunay na natulungan? Sa mga artikulo na aking ililimbag sa mga susunod na araw idedetalye ko ang paksang ito patungkol sa pagtulong ng isang kaibigan. Ang pangatlong nosyon nating mga Pinoy, "Ako ay mayaman dahil ako ay malusog". Ikaw nga ay malusog, ngunit maisasangla mo ba ang iyong kalusugan upang malunasan ang iyong problema sa pananalapi?
Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng yaman? Ang yaman, ay isang pamamaraan na kung saan ikaw ay nabibigyan ng extra ordinaryong abilidad na makapagbigay sa sino mang gustohin mong bigyan ng salapi. Ito ay nagbibigay sayo ng kalayaan na mabili ang ano mang gustohin mo, at nagbibigay sa iyo ng abilidad na mamuhunan sa negosyo at ibang bagay na magbibigay sa iyo ng karagdagang pera.
Papaano ba matatamasa o makukuha ang isang yaman? Ang yaman ay makukuha sa isang pamamaraan lamang, ito ay ang patuloy na pagkalap ng kaalaman sa pagkuha nito. Kung ikaw ay nasasadlak sa kahirapan ng buhay, huwag mawalan ng pag-asa. Ang blog na ito, kung iyong madalas babasahin ay magbibigay sayo ng kaalaman sa pagaakumula ng iyong sariling kayamanan. Ikaw ay maliliwanagan sa mga bagay na sa una ay wala o kulang ka sa kaalaman.
Halika kaibigan, tayo na at matuto sa tamang pagkuha ng yaman.

Subscribe to:
Posts (Atom)