Nuffnang

Wednesday, September 19, 2012

Ang Tunay na Kahulugan ng Suwerte

Tayong mga Pinoy ay may malaking paniniwala sa salitang “suwerte.” Madalas nating inaasahan ang suwerte na dumating sa ating buhay upang makaramdam ng kaginhawahan sa mga problemang pinansyal na ating pinagdaraanan. Binabanggit natin ang mga salitang, “Suwertihan lang yan,” “Sana suwertihin ako,” “Mayaman sila sinuwerte kasi sila,” at ang pinakamali sa lahat, “Pagdating ng panahon susuwertihin ako at yayaman.” Ang ating pag-iisip ay madalas na nakatuon sa iisang salitang ito. Ito halos ang ginagawa nating batayan sa pag-asenso sa buhay. Matiyaga nating hinihintay at inaabangan ang pagdating ng mailap na suwerte sa ating mga buhay, nananalangin at nagsusumamo na mabiyayaan tayo ng kahit kaunting suwerte upang umunlad.

Karamihan sa atin ay hindi alam ang tunay na epekto ng pagbibigay ng matinding konsentrasyon sa suwerte. Ang lubos na paniniwala sa suwerte ay nagbibigay sa atin ng maling gabay at nagliliko sa ating landas patungo sa tunay na daan sa pagyaman. Ang karamihan sa halip na magsikap sa trabaho upang makaipon at maisaayos ang kanilang personal na pananalapi, ay pinansusugal ang kanilang kinabukasan sa Casino, sa Lotto, at sa iba’t ibang klase ng sugal sa paghahangad na makakuha ng suwerte. Kung iaasa mo lamang sa paghihintay sa suwerte ang iyong tagumpay sa pera, kailan man ay hindi mo matatamasa ang yaman na ninanais mo. Ang iyong maling pakahulugan sa salitang suwerte ay nagdudulot sa iyo ng matinding kahirapan ng hindi mo namamalayan.

Upang magtagumpay, lalo na sa pera kailangan mong malaman ang tunay na kahulugan ng suwerte at kung paano ito nabubuo. Kapag naintindihan mo na ang tunay na kahulugan nito maitutuwid mo ang iyong mga maling paniniwala at mabibigyan ka ng bagong direksyon sa buhay. Ang mga sumusunod kapag iyong naintindihan ng mabuti at isinapuso ay magbibigay sa iyo ng kakaibang pag-gising at magmumulat sa iyo sa reyalidad at katotohanan ng buhay. “Ang suwerte ay nabubuo kapag ang oportunidad at kahandaan ay nagkita.” Ang ibig sabihin nito, kapag may dumating na oportunidad sa iyo at ikaw ay handa na tanggapin ito, ikaw ay may suwerte. Sa kabilang banda, kapag may dumating na oportunidad sa iyo at ikaw ay hindi handang tanggapin ito, ikaw ay walang suwerte, dahil hindi mo napagkita ang dalawa. Halimbawa, may naisip ka na isang ideya sa negosyo at sa iyong palagay ay kikita ka ng malaki dito. Ito ay iyong pinagipunan, pinagisipan ng mabuti at pinag-aralan. At nang ikaw ay handa na ito ay iyong sinimulan. Sa ganitong pagkakataon ikaw ay magiging matagumpay dahil napagkita mo ang oportunidad sa negosyo at ang iyong kahandaan sa pera. Ikaw ang gumagawa ng sarili mong suwerte, hindi ito hinihintay, inaabangan o pinapanalangin. Ito ay nalilikha sa iyong sariling paraan. Ang iyong suwerte ay palagiang mapapasaiyo sa pamamagitan ng pagiging palaging handa sa pagtanggap ng oportunidad sa iyong paligid. Ang oportunidad ay nasa iyong buhay, nasa ibang tao, nasa ibang bagay, nasa iyong pagsisikap, nasa iyong pag-iisip, kahit saan ito ay iyong matatagpuan.

Ang mga oportunidad sa buhay ay dumarami habang sila ay kinukuha; at sila ay namamatay kapag sila ay pinapabayaan. Ihanda mo ang iyong sarili sa pagkuha ng mga oportunidad at iyong matatamasa ang kaginhawahan sa buhay. Pagsikapan na maisaayos ang iyong personal na pananalapi. Mag-impok ng sapat para sa mga hindi inaasahang pangyayari o “emergency.” Bayaran ang lahat ng mga utang. Mag-ipon ng sapat para sa pagnenegosyo o pamumuhunan sa mga investments na ligtas at sigurado. At regular na magtabi ng pera para sa iyong marangal na pagreretiro. Ito ang mga hakbang na dapat mong pagsikapang mapagtagumpayan upang lubos na maging handa at makuha ang lahat ng mga oportunidad sa buhay. Ang kahandaan sa buhay at sa pananalapi kasabay ng pagkuha ng mga oportunidad ang gagabay sa iyo patungo sa isang masaganang buhay at mapayapang pag-iisip.

Kagaya ng sabi ko, tayo ang gumagawa ng sarili nating suwerte, ang kailangan lang natin ay ang tamang kapaliwanagan at kaalaman sa tunay na kahulugan nito upang magtagumpay sa buhay. Sa pagkakaroon ng karunungan sa mga bagay na magbibigay sa iyo ng tagumpay at pagkakaroon ng matibay na pananalig kay Jesus at sa ating Diyos Ama, ikaw ay mabibiyayaan ng walang hangang yaman dito sa lupa at sa langit. Ang sabi sa Bibliya, Ang takot sa Panginoon ay pasimula ng kaalaman: nguni't ang mangmang ay humahamak sa karunungan at turo.” - Proverbs 1:7

4 comments:

  1. Ang gaganda ng blog posts mo. Very informative.
    Lalo na tong ukol sa "Swerte". Oo nga naman, paubaya ng paubaya ang karamihan sa tadhana, nakalimutan ng kumilos. Ako, sa kasalukuyan ay nagtatrabaho. Hinablot ko ang oporutnidad makapagtrabaho ng hindi lumalabas sa aking "comfort zone". Katunayan, nagpagala gala lang ako sa "intarwebs" ng hindi sinasadyang madapa ako dito: http://earndollarsathome.net/
    Ako naman si "shunga" nagsubscribe ako. Umasa akong spam lang to sa email ko, pero ngayon, kahit papaano eh natutustusan ko na ang pangangailangan ko at ng anak ko. :)
    *Share ko lang naman. Para rin sa iba. :)

    ReplyDelete
  2. I certainly agree to some points that you have discussed on this post. I appreciate that you have shared some reliable tips on this review.

    ReplyDelete
  3. MAHUSAY BALITA PARA SA LAHAT

    Gusto kong ipaalala sa lahat ng mga naghahanap ng internet loan na mag-ingat, may mga online scam loan sa lahat ng dako, magpapadala sila ng mga pekeng dokumento sa iyo at sasabihin nila na walang bayad, hihilingin ka nila na magbayad ng bayad sa lisensya at mga pagbabayad sa transfer, kaya maingat.

    Ang lahat ng mga pekeng nagpapahiram ay may maraming pagkakatulad na nakikita ko at inilista sa ibaba

    Karamihan sa kanila ay mayroong mga gmail account

    Ang bawat tao'y may nakakumbinsi na kapangyarihan

    Ang bawat tao'y may pekeng larawan sa profile ng isang babae na may suot na belo

    Lahat sila ay nagbibigay ng isang 2% rate ng interes

    Walang limitasyon sa halagang maaari mong hiramin

    Ang mabuting balita ay natagpuan ko ang isang wastong online lending firm. Hindi ako narito upang mangaral ngunit upang matulungan ang mga tao na makakuha ng tunay na pautang. Kung ikaw ay interesado sa pagkuha ng pautang, makipag-ugnayan lamang sa kanila (dailypayloan@yahoo.com) o padalhan ako ng personal na e-mail (zaradam@yahoo.com).

    ReplyDelete
  4. Matagal kunang pinaulit ulit to. Sana gumawa kapa Ng maraming Aral Tulad nito.

    ReplyDelete