Sa kabila ng kaliwa’t kanan at walang puknat na pagbatikos
sa mga politiko at lider ng ating bansa, isa ang nananatiling totoo sa buhay
nating mga Pilipino. Marami parin sa atin ang patuloy na nakakaranas ng
kahirapan, gutom, at kawalan ng trabaho. Nakakalungkot mang isipin na ang ating
Gobyerno na dapat gumagabay sa atin at nagbibigay ng oportunidad upang tayo
bilang mga mamamayan ay umunlad sa buhay at magtagumpay ay siya pang numero
unong nagbibigay ng masamang halimbawa sa atin. Hindi kailan man magiging tama
ang patuloy na pagnanakaw ng mga opisyal ng Gobyerno sa kaban ng bayan. At alam
nating lahat na ito ay hindi makatarungan at hindi patas para sa ating mga
mamamayan.
Pero kung ilulugmok natin ang ating mga sarili sa mga
problemang sosyal at politikal na ating kinakaharap ngayon, ang buhay natin ay
hindi magiging matiwasay. Kung tayo ay patuloy na magpapaapekto sa mga bagay na
wala tayong direktang kontrol, mawawalan tayo ng pokus sa pagpapaunlad ng mga
bagay na mahalaga sa ating buhay katulad ng pag-iimpok ng pera, pagbibigay ng
mga bagong kaalaman sa sarili, at pagbibigay sa sarili ng progresibong
pag-uugali at positibong pananaw sa buhay. Huwag mong hayaan maging hadlang sa
iyong pag-unlad ang mga problema ng atin bansa. Pakialaman at pag-aralan mong
mabuti kung papaano mo mapapaunlad ang iyong pansariling ekonomiya.
Ang mga naririnig mo sa radyo at mga napapanood mo sa TV,
maniwala kaman o hindi ay nagbibigay ng negatibong epekto sa iyong
pangkalahatang pamumuhay. Ayon sa pag-aaral kakaunti lamang ang porsyento ng
mga positibong mensahe na makukuha natin sa panonood ng telebisyon. Ibig
sabihin halos lahat ng mga ipinapalabas sa TV lalo na sa mga News Channels ay
negatibo at nakakasama sa atin. Kapag napuno ang iyong pag-iisip ng mga
negatibong mensahe ano sa palagay mo ang mangyayari? Ikaw ay makakaranas ng
tinatawag na “End of the World syndrome.” Ikaw ay magkakaroon ng biglaang
takot, mawawalan ka ng seguridad at kumpiyansa sa sarili. Mararamdaman mo na
ang mga pangyayari sa paligid mo ay hindi sumasangayon sa iyong kagustuhan at
bigla mong mararamdaman ang tensyon sa iyong buong katawan. Magkakaroon ka ng
matinding pananakit ng ulo na posibleng mauwi sa malubhang sakit.
Kaya naman ang payo ko sa iyo kaibigan ko. Tigilan o kaya
naman ay bawas bawasan mo na ang panood ng TV at pakikinig sa radyo na may
kaugnayan sa kasalukuyang problema ng ating bansa o ng mundo. Wala kang
direktang kontrol sa ano mang bagay na nagaganap sa labas ng iyong personal na
buhay. Sanayin na magbasa ng mga libro na magbibigay sa iyo ng karagdagang
kaalaman sa pagpapaunlad ng sarili. Magbasa ng mga aritikulo o blog na katulad
nito na humihikayat na mag-isip ng positibo at nagbibigay ng makabuluhang payo
na iyong magagamit upang mapaunlad ang iyong pamumuhay.
Ang higit ko rin na isinusulong at pinapayo sa lahat ng
aking mga taga-basa ay ang madalas na pagbuklat at pagbabasa ng Biblya. Ang
Banal na Sulat ay nagbibigay sa atin ng mga magaganda at dakilang payo na ating
magagamit sa ating pang araw-araw na buhay. Ito ay nagbibigay ng walang hanggang
gabay sa ating buhay at humihikayat na mamuhay na naaayon sa utos ng Diyos at
sa buhay ni Hesukristo. Dahil nasasabi sa Biblya na “Sapagkat
sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang
kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi
mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." –Juan 3:16 SND
Tama kasi hanggat may naghihirap dumarami ang mang-mang at sa mga mang-mang sila yumayaman. Niloloko nila ang mga pobreng walang muwang at sapat na nalalaman sa mga bagay bagay.
ReplyDeleteHI po Tama ka dyan brother, This is my first time here in your web blog. I also share different lyrics, music video and Cool Videos in my Blog.If you Have time feel free to drop in my blog http://latestyoutubes.blogspot.com
ReplyDeleteBlogging is the new poetry. I find it wonderful and amazing in many ways.
ReplyDeleteAgree ako diyan! Ako mismo gumawa ng post tungkol dito, at nakabase iyon sa sinabi ni Theodore Roosevelt:
ReplyDelete“There never has been devised, and there never will be devised, any law which will enable a man to succeed save by the exercise of those qualities which have always been the prerequisites of success: the qualities of hard work, of keen intelligence, of unflinching will.”
(Walang isinagawa, at walang maisasagawang batas na hahayaang magtagumpay ang isang tao bukod sa paggamit ng mga kalidad na kinakailangan para umasenso: pagsisikap, katalinuhan, at lakas ng loob.)