Sa patuloy na pag-aaral ng mga eksperto at ng mga indibiduwal na may malawak na kaalaman sa pananalaping personal, sila ay may natuklasang pag-uugali ng mga mayayaman na naghihiwalay sa kanila sa mga karaniwang tao at nagbibigay sa kanila ng kalamangan sa buhay. Ang mga eksperto ay sumasangayon sa isa’t isa na ang pagkakaroon ng ugali kagaya ng isang mayamang tao ay magbibigay sa iyo ng malaking tiyansa na maging isa rin mayaman.
Bago ako magpatuloy, nais kong ipabatid sa iyo na lahat ng mga bagay na nababanggit sa blog na ito ay batay sa mga aktuwal na pag-aaral at sa aking personal na karanasan. Bago ko isulat at ilagay sa blog na ito ang mga kaalamang ito, ako ay personal na nananaliksik, nag-aaral, at komukunsulta sa bibliya upang mapatunayan ang kredibilidad ng impormasyon na aking ibinabahagi sa iyo. Ang isa sa aking mga misyon sa pagsulat sa blog na ito ay ang mabigyan ka ng karunungan sa paghawak ng iyong salapi at maibahagi sa iyo ang aking kaalaman sa paglinang ng sarili upang maging mayaman at matagumpay sa buhay.
Sabi ng isang sikat na speaker, “Ang importanteng aspeto ng ating buhay ay hindi ang mga bagay na nangyayari sa atin, kung hindi ang ating pag-uugali sa pagharap sa mga nangyayari sa atin.” Ang isang mayamang tao ay may positibong pananaw sa pagharap sa mga sitwasyon sa kanyang buhay, mahirap man o madali. Siya ay hindi madaling sumuko, wala siyang panghihina ng loob. Isa siyang determinadong tao na may pokus sa pagharap sa ano mang situwasyon na ibato sa kanya ng buhay. Hindi siya takot magkamali. Natututo siya sa kanyang mga pagkakamali, at siya ay may pananalig sa kanyang hinaharap. At higit sa lahat, patuloy siyang nananaliksik at nag-aaral sa mga bagay na magbibigay sa kaniya ng karungan, motibasyon, at tagumpay sa buhay. Ang mga pag-uugaling ito ang nagdala sa kanya sa tagumpay at nagdulot sa kanya ng yaman.
Kagaya ng aking nabanggit na napatunayan ng mga eksperto sa paksang ito kung iyong gagayahin ang mga pag-uugali ng isang mayamang tao ikaw ay may malaking tiyansa na maging mayaman. Isa puso mo ang mga pag-uugaling nabanggit, tandaan mo ang mga ito at gamitin mo ang mga ito bilang gabay sa iyong pag-unlad sa buhay. Tayong mga Pilipino ay may ekspertong pag-uugali sa panggagaya ng iba. Ginagaya natin ang mga artista na napapanood natin sa telebisyon, at mga tao na may malaking impluwensiya sa ating buhay. Imbes na gayahin ang mga sikat na tao, bakit hindi mo ibaling ang likas na pag-uugaling ito sa pag-gaya sa isang mayamang tao. Gayahin mo ang mga ginagawa niya, gayahin mo ang pag-uugali niya at makikita mo ang iyong sarili na isa naring mayaman.
No comments:
Post a Comment